Wala Kang Katulad by Hansen Nichols Lyrics
(PDA Season 2 – Scholars Sing Cayabyab)
Music & Lyrics by Ryan Cayabyab
Lyricsin.com
Mula ng kita’y makilala
walang ibang naaalala
Kundi ang tamis ng iyong ngiti
Parang nagsasabing, mahal mo ako
Ibang-iba ka aking giliw
Sa lahat ng nakilala
Walang ibang naghahatid ng sigla
tulad mo sinta
CHORUS
Wala kang katulad, wala ng hihigit pa sa iyo
Wala kang kaparis, wala ng gaganda pa sa iyo
‘Di ka maihahambing
Kahit kanino pa, labis ang ‘yong ganda
Wala kang katulad, at mahal kita
Iisa lamang ang nais
Ang makapiling ka lagi
At pagmasdan ang iyong nangungusap na mga mata
O kay ganda
Lagi akong umaasang
Habang buhay tayong magsasama
‘wag kang mabahala sa piling ko
ay liligaya ka
REPEAT CHORUS
Minsan pa lamang sa aking buhay,
nakadama ng ganito ohhh
REPEAT CHORUS except last line
Wala kang katulad
Wala kang katulad
Wala kang katulad, at mahal kita
Mahal kita…
ganda tlgah